Magpapatupad ng bawas presyo ng kanilang produktong petrolyo ang Phoenix Petroleum.

Nasa P1.00 sa kada litro ang ibabawas sa gasolina habang mayroong P0.80 sa kada litro ng diesel.

Ipapatupad ang nasabing roll back simula 12 p.m. ngayong Sabado.

Inaasahan naman na magsusunuran ang ilang kumpanya ng langis.