Nagtala ng come-from-behind win ang Phoenix Super LPG ng talunin nila ang Blackwater 100-95 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.
Nagtulungan sina Jason Perkins, Calvin Abueva at Matthew Wright para madala ang koponan sa tatlong sunod na panalo sa laro na giananap sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center.
Dahil sa panalo ay mayroon ng pitong panalo at tatlong talo ang Phoenix habang ang Blackwater ay mayroong dalawang panalo at walong talo.
Mayroong 17 points, 12 rebounds si Perking habang si Abueva ay mayroong 17 points, 13 rebounds at si Wright naman ay mayroong 17 points anim na rebounds at limang assists.
Hawak pa ng Blackwater ang kalamangan sa pagsisimula ng third quarter 50-34 at ito ay kanilang napababa ng tatlong puntos pagpasok sa last quarter 70-67.
Hindi naman nabigo si Phoenix coach Topex Robison dahil sa bawat manlalaro ay binigyan niya ng kaniya-kaniyang responsibilidad.