Hindi raw malayong magkaroon din ang Pilipinas ng sarili nitong variant ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Philippine Genome Center Executive Director Cynthia Saloma, posible raw na katulad din sa unique variants ng covid na mula United Kingdom, South Africa at Brazil ang mabuo sa bansa kapag patuloy ang pagtaas ng kaso ng nakamamatay na sakit sa bansa.
Sinabi ni Saloma, maaaring mapigila ang pagkakaroon ng local variant sa bansa kung bababa ang coronavirus infections.
Kung maalala ang genome center ay nagsasagawa na ng genome sequencing gamit ang mga samples ng COVID-19 mula sa mga pasyente para ma-detect kung mayroon silang COVID-19 variant.
Sa ngayon mayroon na raw na-detect na 17 cases ng UK variant sa bansa hanggang noong Enero 13.
Una rito, kinumpirma ng mga health officials na mayroon nang local transmission sa Bontoc, Mt. Province matapos magpositibo sa bagong variant ng virus ang 12 residente.
Sinabi ng mga eksperto na mas nakakahawa ang bagong variant na tinawag ding B.1.1.7.