Mas mabilis ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa huling tatlong buwan ng 2021, dahilan para makapasok sa target range ng gobyerno ang full-year figure, kasunod ng record-low na naitala sa nakalipas na taon.
Base sa datos na inilabas ng pamahalaan ngayong araw, Enero 27, lumalabas na ang fourth-quarter growth rate ay pumalo sa 7.7 percent.
Ito ay mas mabilis kaysa downward revised 6.9 percent noong third quarter ng 2021, pero mas mabilis naman kaysa -8.3 percent na naitala sa fourth quarter ng 2020.
Sa ngayon, ang full-year growth ng Pilipinas ay 5.6 percent, mas mabilis kaysa record-low na -9.6 percent noong 2020, pero mas mabagal naman kumpara 6.1 percent na naitala noon namang 2019 bago pa man nagkaroon ng COVID-19 pandemic.
Magugunita na noong Disyembre, itinaas ng inter-agency Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang economic growth rate para sa 2021 sa 5 percent hanggang 5.5 percent mula sa dating 4 percent hanggang 5 percent range.