-- Advertisements --

Nilinaw ng Phivolcs na wala silang inilabas na tsunami warning, sa kabila ng 6.6 magnitude na lindol sa Easter Island Region sa Pacific Ocean.

Naitala ang pagyanig kaninang alas-3:17 ng madaling araw.

May lalim itong 34 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Posible ring masundan pa ito ng aftershocks hanggang sa mga susunod na araw.

Paliwanag ng Phivolcs, lubhang malayo ang lokasyon ng epicenter para makaapekto pa sa alinmang bahagi ng ating bansa.

Nabatid na nasa 14,475 km ang layo ng Easter Island Region sa kalupaan ng Pilipinas.