-- Advertisements --

Pinuna ni Vice President Sara Duterte ang Office of the President of the Philippines dahil sa umano’y late na paglalabas ng kanyang travel authority, na aniya’y nakaapekto sa kanyang biyahe.

Ayon kay Duterte, nagdulot ng pag-aalinlangan kung papayagan siyang bumiyahe kaya’t binago niya ang travel plans. Kinumpirma ng Malacañang na inaprubahan ang kanyang travel authority noong Abril 22 para sa paglalakbay sa ilang bansa.

Hiniling niya sa Palasyo na mas maagap na iproseso ang mga susunod na travel request upang maiwasan ang aberya sa preparasyon. Dagdag niya, mahalaga rin ang maayos na paghawak sa sensitibong dokumento.

“Thank you for the last-minute issuance of the travel authority. I regret to inform you that the plans have since changed due to uncertainty as to whether I will be permitted to depart. You will be receiving a new request soon. Please ensure that the necessary documents be processed and issued promptly, allowing sufficient time for travel preparations rather than only a few hours before the intended departure,” wika ni VP Duterte.

Ang isyu ay kasabay ng impeachment hearings laban sa kanya sa Kamara at ng hiwalay na desisyon ng International Criminal Court kaugnay ng kaso ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.