-- Advertisements --
Kinumpirma ni Phivolcs Dir. Renato Solidum na nagkaroon ng mahinang pagsabog ang Mt. Pinatubo ngayong araw.
Ayon kay Solidum, naitala ito kaninang alas-12:09 hanggang alas-12:13 ng tanghali.
Kaugnay nito, pinagbabawalan ng Phivolcs ang mga turistang bumababa sa crater ng bulkan, para mamangka.
Hindi rin inaalis ng ahensya ang posibilidad na magkaroon pa ito ng mga susunod na volcanic activity.
Huling nagkaroon ng major erruption ang bulkan noong Setyembre 2, 1991.
Sa nasabing pagsabog ay 300 ang nasawi at mahigit 100,000 ang nawalan ng bahay, matapos matabunan ng abo mula sa bulkan.