-- Advertisements --

Nagsasagawa na ng ground validation ang mga tauhan ng Phivolcs sa Pansipit River at ilang bahagi ng Taal volcano na nakitaan ng pagbaba ng level ng tubig, habang may ibang area na tuluyan pang natuyo.

Ayon kay Phivolcs Dir. Renato Solidum, sa pamamagitan ng pagsusuri, masasabi umano nila kung anong maaaring maging epekto nito.

Kasabay ng pagkatuyo ng crater at ilog, dumami pa ang bitak sa paligid ng bulkan.

Kaya naman, sinabi naman ni Maria Antonia Bornas, chief research specialist ng Phivolcs, na manatiling alerto ang publiko dahil nakaamba pa rin ang panganib.

“DOST-PHIVOLCS strongly reiterates total evacuation of Taal Volcano Island and high-risk areas as identified in the hazard maps within the 14-km radius from Taal Main Crater and along the Pansipit River Valley where fissuring has been observed. Residents around Taal Volcano are advised to guard against the effects of heavy and prolonged ashfall,” saad ng mensahe ng Phivolcs.

Nagbabala pa ang Phivolcs sa low lying areas na maaaring makaranas ng lahar flow kapag umulan ng malakas.

Hinimok ng Phivolcs ang mga residente na gumamit ng HazardHunter app na ginawa ng DOST para sa karagdagang gabay.