-- Advertisements --

Nagsagawa na rin ang adjustments ang Philippine Postal Corp. ngayon nararanasan ang labis na tag-init sa bansa.

Ayon sa PhilPost, na papayagan na para maiwasan na mababad sa labis na init ng panahon ang mga cartero ay papayagan nila ang mga ito na umalis ng mas maaga.

Maaring magsimula na sila magdeliver ng sulat ng ala-6 ng umaga at matapos ng hanggang hanggang tanghali.

Ang mga natitirang oras nila ay sa opisina na lamang gaya ng pag-update ng mga delivery information, paghahanda sa mga idedeliver na sulat sa mga susunod na araw.

Kasama na rin dito ay inatasan nila ang mga postal wokers na magsuot ng mga preskong damit at laging may baon na tubig habang maghahatid ng mga sulat.