-- Advertisements --
Inilunsad ng Philippine Postal Corporation ang commemorative stamp ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.
Kasama rin nito ay inilunsad ang commemorative exhibit ng dating pangulo sa National Stamp Collecting Month at 255th Anniversary of the Philippine Postal Service.
Makikita sa commemorative exhibit sa Manila Central Post Office building sa Liwasang Bonifacio ang mga collections at memorabilia ng namayapang dating pangulo.
Dumalo sa nasabing paglunsad ang anak ng dating pangulo na si Cristy Ramo ang dating Philippine Olympic Committee president, ilang miyembro ng pamilya Ramos at mga dating miyembro ng gabinete ni Ramos.
Ang National Stamp Collecting Month ay idineklara ni Ramos sa pamamagitan ng proclamation no. 494 noong 1994.