Tumutulong na ngayon ang mga sundalo mula sa Philippine Marines sa pagpapatupad ng checkpoints para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Ayon kay Phl Navy Spokesperson, Lt Commander Maria Christina Roxas, kanilang idineploy ang Marine Batallion Landing Team -12 at nagmamando na ng mga quarantine assistance stations sa lalawigan ng Rizal, Marikina, Muntinlupa, Cavite at Laguna.

Mahigpit naman ang paalala ng liderato ng Philippine Marines at Philippine Navy sa mga nakadeploy na sundalo na ingatan ang mga sarili habang tinutupad ang kanilang tungkulin para hindi mahawa ng virus.

Sinabi ni Roxas lahat ng kanilang personnel at resources ay kanilang minobilized para ipatupad ang enhanced community quarantine.