-- Advertisements --

navy1

Nagsagawa ng naval exercise sa West Philippine Sea ang pinaka-bagong missile frigate ng Philippine Navy, ang BRP Antonio Luna (FF151) kasama ang dalawang barkong pandigma ng Indian Navy.

Sinalubong kahapon ng BRP Antonio Luna ang Guided missile destroyer D55 INS Ranvijay, at Guided Missile Corvette, P61 INS Cora sa hilagang-kanlurang karagatan ng Palawan, at dito nagsagawa ng operational maneuvers ang dalawang navy.

Kapwa nagpahayag ng kasiyahan ang Philippine Navy at Indian Navy sa pagsasanay na sumubok sa “interoperability and collaboration” ng dalawang panig.

navy2 1

Ayon sa Philippine Navy, dahil sa pandemya, ang nasabing ehersisyo ay isinagawa ng “contactless” alinsunod sa mga umiiral na health protocols.

Ang INS Ranvijay at INS Kora ay dineploy ng Indian Navy para palakasin ang maritime security coordination sa mga kaibigang bansa sa rehiyon.

Nakatakdang magsagawa ng Port call sa Maynila ang dalawang barko ng India para sa kanilang re-supply.