-- Advertisements --

Pinayuhan ng Philippine Airlines (AL) ang mga pasahero nitong nakasalamuha ang isang nagpositibo monkeypox sa Hong Kong na bantayan ang kanilang kalusugan.

Ayon kay PAL spokesperson Cielo Villaluna, naabisuhan sila na ang isang pasahero ng PR300 flight mula Manila patungong Hong Kong noong Setyembre 5 ay positibo sa monkeypox.

Nakipag-ugnayan na sila sa mga health authorities sa Hong Kong at sa Pilipinas ukol sa impormasyon na kailangan.

Lahat aniya ng pasahero ng nasabing flights ay kanila ng naabisuhan.

Magugunitang naitala ng Hong Kong ang unang kaso ng monkeypox mula sa isang pasahero na galing sa Pilipinas.