-- Advertisements --

Nakahanda na si Pinay tennis star Alex Eala para sa kauna-unahang pagsabak niya sa US Open.

Tuloy-tuloy ang kaniyang pag-eensayo sa Majorca para sa US Open na magsisimula sa darating na Agosto 24.

Kabilang si Eala sa main draw ng women’s division sa kauna-unahang pagkakataon ng US Open.

Ang WTA ranked 68 ay hindi nakapaglaro sa Canada Open noong nakaraang mga linggo dahil sa kaniyang shoulder injury.

Magugunitang sumabak na rin si Eala sa French Open at Wimbledon ngayong taon.