-- Advertisements --

Nalungkot at nagulat si Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) president and CEO Emmanuel Ledesma Jr sa alegasyon ng incompetence sa ilang mga opisyal nito.

Inaprubahan na kasi ng Commission on Election bilang bahagi ng election ban ang hiling ni Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa, na siya ring board chairperson ng Philhealth, na ilipat ang pitong opisyal nito.

Kinbibilangan ito ng mga opisyal gaya nina : Executive VP and COO Eli Dino Santos, Asistant Senior Vice President Nerissa Santiago, SVP Jovita Aragona, SVP Renato Limsiaco, SVP Jose Mari Tolentino, SVP Dennis Mas, at SVP Dr. Israel Francis Pargas.

Hindi pa aniya nito matiyak kung saan maililipat ang nasabing mga opisyal.

Sinabi ni Ledesma na bubuo sila ng Crisis Committee para imbestigahan ang nasabing alegasyon.