Naglabas ng paalala ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa kanilang mga miyembro na huwag magbahagi ng personal na impormasyon sa social media.
Ayon sa ahensya, hindi sila nangongolekta ng sensitibong datos gaya ng buong pangalan, address, kaarawan, o PhilHealth Identification Number (PIN) sa kanilang mga opisyal na social media accounts.
Ang paalala ay kasabay ng paggunita sa Cybersecurity Awareness Month, kung saan iginiit ng PhilHealth na ang kanilang mga verified na Facebook, X (dating Twitter), YouTube, Instagram, TikTok, at Spotify accounts ay ginagamit lamang para sa pagbibigay ng mga announcement at pagsagot sa mga pangkalahatang tanong.
Pinayuhan din ng ahensya ang publiko na gamitin lamang ang opisyal na hotline at email channels ng PhilHealth kung may mga itatanong tulad ng PIN verification, status ng claims, o history ng kontribusyon, alinsunod sa Data Privacy Act of 2012.
Hinimok pa ang mga Pilipino na maging mapagmatyag laban sa mga fake account na nagpapanggap na opisyal na kinatawan ng ahensya na agad itong i-report sa kanila kung mapapansin.