Tuloy-tuloy na ipinatupad ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang kanilang dagdag singil sa mga premium contributions ngayong buwan.
Sinabi ni PhilHealth president and chief executive officer Emmanuel Ledesma Jr. na hanggang hindi nagpalabas ng kautusan ang Malacañang na pumipigil sa kanilang taas singil ay itutuloy nila ito.
Handa naman silang tumugon sakaling maglabas ng kautusan ang Palasyo na pumipigil sa kanila.
Magkakaroon kasi ng epekto sakaling pigilan ito ng Palasyo kung saan mawawalan ang Philhealth ng P17 bilyon na pondo ngayong taon.
Nilinaw nito na ang taas singil sa mga premium ngayon taon ay huli na at hindi na ito masusundan pa.
Ang five percent increase ay epektibo sa mga manggagawa na kumikita ng mula P10,000 hanggang P100,000.
Pinayuhan na lamang nila ang mga miyembro na tiyakin na ang kanilang kontribusyon ay updated para maging aktibo ang kanilang memberships at namnamin ang health care benefits.