-- Advertisements --

Hinihintay pa ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang magiging opinyon ng Department of Justice (DOJ) bago nito tuluyang bayaran ang halos P1 bilyong utang sa Philippine Red Cross (PRC).

Sa isang pahayag, sinabi ng Philhealth na hihintayin muna nito ang magiging suhestyon ng DOJ kung ano ang kanilang susunod na hakbang.

Una nang sinabi ni Philhealth chief Dante Gierran na hindi babayaran ng state health insusrer ang utang nito sa Red Cross hangga’t hindi pa napa-plantsa ang gusot ukol sa legal issues ng memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng dalawang ahensya.

Dahil sa hakbang na ito ay napilitan ang PRC na itigil ang pagkuha ng COVID-19 tests sa libo-libong overseas Filipino workers (OFWs) na umuwi sa bansa.

Nanawagan naman ang Philhealth sa lahat ng apektado na habaan ang kanilang pasensya at pang-unawa dahil ginagawa naman daw nila ang lahat ng kanilang makakaya upang ipagpatuloy pa rin ang pakikipag-uganayan sa naturang humanitarian organization.

Aabot ng 30 percxent ng kabuuang COVID-19 tests sa bansa ang ginagawa ng Red Cross.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH) as of October 18, katumbas ito ng 1 million mula sa 4.3 million tests na isinagawa ng gobyerno.