Phil Younghusband
Phil Younghusband/ IG post

Ikinasal si Phil Younghusband at ex-gymnast Margaret Hall.

Nitong Sabado ay isinagawa ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa Kent, England.

Tila isang ‘fairytale’ ang kasal na ginanap sa English countryside na kumpleto pa ng bagpipes at kit.

Tanging mga malalapit na kaibigan ng dating Philippine Azkals player at ni Hall ang dumalo sa Canterbury, United Kingdom.