-- Advertisements --

Mas pagagandahin pa ng Philippine Ports Authority (PPA) ang mga pantalan sa bansa lalo na tinanghal bilang “Best Cruise Destination in Asia 2023” sa World Cruise Awards.

Sinabi ni PPA General Manager Jay Santiago, na dahil sa nasabing awards ay asahan nila ang pagdami ng pagdating ng mga cruise ships sa bansa.

Ilan sa mga tinututukoy nito na hawak ng PPA ay ang mga Port of Currimao sa Ilocos Norte, Salomague sa Ilocos Sur, Manila, Bohol, at El Nido sa Palawan.

Plano din ng ahensiya na magdagdag ng mga cruise terminals sa ibang lugar gaya sa Coron sa Palawan, Siargao, Camiguin, Boracay at Puerto Galera.

Base sa kanilang record na mula ng ibalik ang cruise tourism ng bansa noong Pebrero ay mayroong 46,657 na pasahero ang dumating mula sa ship call sa mga pantalan.