LA UNION – Tumulong na rin ang Phil. Navy Northern Luzon sa paghahanap sa dalawang mangingisda na una ng naiulat na nawawala sa bayan ng Burgos.

Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay Marine Capt. Jojit Ofiaza information officer ng Naval Forces Northen Luzon kinilala nito ang mga nawawalang mangingisda na sina Ryan Quintos, 34 at Ruben Tinaza, 38, parehong residente sa Barangay Ablan, Burgos, Ilocos Norte.

Ayon sa kay Ofiaza, patuloy pa rin ang ginagawa nilang paghahanap sa dalawang mangingisda.

Kung maalala, pumalot ang dalawang mangingisda noong Pebrero 25, 2020 ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa nakakabalik matapos hampasin ng malalakas na alon.