Nakipag-ugnayan na ang Philippine Coast Guard sa mga iba’t-ibang ahensiya matapos ang naganap na pagtagas ng langis sa lumubog na Vietnamese vessel sa Balabac, Palawan.
Ayon sa PCG na ang Vietnamese-flagged vessel na Viet Hai Star ay may dalang 29,000 litro ng automotive diesel oil at 4,000 metric tons ng bigas na kasamang lumubog.
Patungo sana sa Cagayan de Oro City ang bangka ng ito ay lumubog nitong nakaraang Martes.
Matapos ang isang araw ay nakakita sila ng bakas ng langis sa katubigan kung saan lumubog ang bangka kaya naglagay ng oil spill booms ang marine environmental protection unit personnel para makontrol ang tagas.
Nagsagawa na rin sila ng underwater inspection para ma-assess ang estado ng bangka.
Nasa ligtas naman na kalagayan ang lahat na 17 crew members ng bangka.