-- Advertisements --

Naihatid na sa huling hantungan ang dalawang piloto ng Philippine Air Force (PAF) na nasawi matapos ang pagbagsak ng kanilang eroplano sa Tuba, Benguet noong nakaraang linggo.

Sinabi ni PAF spokesperson Colonel Ma. Christina Basco, na nitong umaga ng Martes, Mayo 26 ay nailibing na sa Libingan ng mga Bayani sina First Lieutenant Ruth Angelique Pasos at Second Lieutenant Cherky Enlawan Embudo.

Nagpaabot din sila ng pakikiramay sa mga kaanak ng nasawing piloto ng PAF.

Magugunitang lulan ng SF-260 trainer aircraft sina Pasos at Embudo noong bumagsak ito sa Tuba, Benguet dakong 10:30 ng umaga noong Mayo 20.

Binigyan naman sila ng arrival honors ang dalawa sa Colonel Jesus Villamor Air Base kung saan ginawaran ang mga ito ng Silver Wing Medal.