-- Advertisements --

Naglabas ng warrant of arrest at hold departure orders ang Sandiganbayan Second Division laban kay Senador Jinggoy Estrada.

Maging kay dating DPWH Secretary Manuel Bonoan, at ilang dating opisyal ng DPWH-NCR kaugnay ng kasong graft na may kinalaman sa umano’y flood control kickback scheme.

Pinamumunuan ni Presiding Justice Geraldine Econg ang Second Division na humahawak sa kaso ni Estrada.

Kabilang sa mga co-respondents na pinatawan ng parehong kautusan sina Engr. Denryl Cortuna, Engr. Arturo Gonzales, Jr., at Engr. Manny Bulosan.

Ayon naman sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo, maaaring maghahain ng piyansa ang kampo ng senador.