Mananatili muna sa isolation area ng Pasay City Jail sina Pharmaly director Linconn Ong at corporate secretary Mohit Dargani.
Ito’y makaraang mailipat na kanina ang dalawa sa piitan, matapos ang ilang araw na pagkaka-detain sa Senate building.
Ayon kay Senate blue ribbon committee chairman Sen. Richard Gordon, oobserbahan ang mga ito sa bilangguan at hindi palalabasin hangga’t hindi nakikipagtulungan sa investigating panel.
Pero kung magmamatigas pa rin, baka raw ilipat pa sina Dargani at Ong sa iba pang detention facility, tulad ng New Bilibid Prison (NBP).
Hindi naman naitago ng kampo ni Dargani ang himotok sa naging hakbang ng Senado sa kanilang kliyente.
Ayon kay Atty. Don Kapunan, hindi na sila makikibahagi sa mga susunod na hearing ng blue ribbon panel, dahil sa panggigipit sa Pharmally official.