Hindi na pinagsalita ng Senado ang kontrobersyal na opisyal ng Pharmally na si Krizle Grace Mago, kahit humarap na itong muli matapos magpakostudiya sa Kamara.
Walang kahit isang senador ang nagtanong kay Mago, kaya hindi na rin nito nagawang mabago ang mga nauna niyang pahayag na umaamin sa tampering ng expiration date.
Samantala, pinagtawanan naman ng ilang senador ang Malacanang memorandum ukol sa pagbabawal sa mga miyembro ng gabinete na dumalo pa sa hearing ng Senate blue ribbon committee.
Ang resulta kasi ng naturang memo, no show na ang lahat ng kalihim na dating nakikibahagi sa inquiry.
Pero ayon kay blue ribbon committee chairman Sen. Richard Gordon, unconstitutional ito at paglabag sa kapangyarihan ng Senado na gawin ang kanilang trabaho, kasama na ang pagpapatawag ng mga personalidad kung kinakailangan.
Para naman kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, hindi niya alam kung ano ang itatawag sa naturang memo, dahil mukhang specific lang naman ito laban kay Sen. Gordon.
Ganito rin ang pananaw ni Sen. Panfilo Lacson.