-- Advertisements --

Papayagan na ang mga pharmacists at midwives na mag-administer ng COVID-19 vaccines sa bansa sa ilalim ng Republic Act No. 11525 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang bagong batas na ito ay kilala rin bilang “COVID-19 Vaccination Program Act of 2021,” kung saan nakapaloob dito ang probisyon na ang mga lisensyadong pharmacists at midwives ay maaari na ring maging “vaccinators.”

Kakailanganin ng mga ito na sumailalim sa training ng Department of Health (DOH) para sa COVID-19 immunization drive ng pamahalaan.

Target ng gobyerno na mabakunahan ang 70 milyong Pilipino ngayong taon upang maabot ang herd immunity laban sa coronavirus disease.

“Notwithstanding the provision of Section 4 (g) of Republic Act No. 10918, otherwise known as the ‘Philippine Pharmacy Act’, and Section 23 of Republic Act No. 7392 otherwise known as the ‘Philippine Midwifery Act of 1992’ and in furtherance of the COVID-19 Vaccination Program, licensed pharmacists and midwives who are duly trained by the DOH may administer COVID-19 vaccines,” saad sa batas.

Ang COVID-19 vaccines ay kinakailangang nakarehistro sa Food and Drug Administration (FDA) o mayroong emergency use authorization (EUA) alinsunod na rin sa RA 11525.

Batay sa Section 4 ng pharmacy law sa bansa, tumutukoy ang administration ng FDA-approved vaccines na ituturok ng isang pharmacists na sasailalim sa training ng vaccine administration at management ng adverse impact. Dapat din ay magakroon ng certificate of training ang mga ito na iisyu ng institusyon na accredited ng Professional Regulation Commission (PRC).

Sa ilalim naman ng midwivery law ng Pilipinas, ang practice ng midwivery ay sakop hindi lamang ang pagbibigay ng serbisyo na may kaugnayan sa pangangalaga ng mga kababaihang buntis hanggang sa manganak, subalit pati na rin ang health education ng pasyente, family and community; at primary health care services kabilang na rito ang pagbabakuna.

The COVID-19 vaccines must be registered with Food and Drug Administration (FDA) or possess an emergency use authorization (EUA), according to RA 11525.

Una nang sinuportahan ng health department ang rekomendasyon na gawing vaccinators ang mga pharmacists at midwives sa bansa.