Bahagyang umangat ang posisyon ng Pilipinas na nasa ika-54 mula sa 167 bansa base sa inilabas na 2021 Democracy Index ng London-based think tank na The Economist Intelligence Unit (EIU).
Base sa report, napanatili ng Pilipinas ang “flawed democracy”, ibig sabihin may malaya at patas na halalan at nirerespeto ang kalayaan ng mga mamamayan bagamat may ilang significant weaknesses sa ilang aspeto ng demokrasya kabilang na ang pamamahala, political culture at participation.
Ang “flawed democracy” ang ikalawa sa apat na uri ng pamamahala na ginamit ng London-based think tank sa taunang democarcy index nito kung saan una ang “full democracy” at bago ang “hybrid” at “authoritarian ” regimes.
Nakakuha ang Pilipinas ng kabuuang puntos na 6.62 mula sa 10 bilang pinakamataas na puntos.
Pang-10 naman ang Pilipinas sa mga bansa sa Asya at Australia mula sa pang-siyam na pwesto nito noong nakalipas na taon.