Margielyn Didal
Didal/ IG post

Target ng Philippine skateboarding team na mangibabaw sa 30th Southeast Asian Games.

Ayon kay Monty Mendigoria, pangulo ng Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines, malaki ang tiwala nito na makuha ng walong gold medals sa lahat ng skateboarding competitions.

Mismo aniya si Philippine Olympic Committee president Cong. Bambol Tolentino ang nagsabi na ilalagay nila ang mga malalakas na manlalaro para sa torneo.

Mangunguna sa Philippine team si Margielyn Didal ang kasalukuyang champion ng Asian Games kasama si Christiana Means at Jericho Francisco.