Isinusulong ngayon ng Pilipinas ang bagong energy efficiency bilang bahagi ng national movement ng bansa para sa mas matalino at mas maayos na paggamit ng kuryente.
Sa halip kasi na simpleng pagsunod sa regulasyon ay sentro na ng agenda ng bansa ang mas mababang carbon emissions at mas ligtas na supply ng enerhiya.
Sa pagbubukas ng Philippine Conference on Enenrgy Efficiency and Conservation (PCCEC) 2025 na ginanap kahapon, Mayo 3 sa Makati City, binigyang-diin ang mahahalang papel ng green financing at artificial intelligence (AI) sa pagpapabilis ng mga programang may kinalaman sa enerhiya na nakatutok sa bansa.
Ayon kay Department of Energy (DOE) Undersecretary Felix William Fuentabella, ang pagbabago sa pananaw ukol sa energy efficiency ay mula sa obligasyon ng mga mamayamang Pilipino tungo sa mas matalinong pagkonsumo na aniya patunay ng seryosong commitment ng bansa sa isang sustainability.
Ibinida pa ng ahensya ang innovative na pagpopondo sa energy efficiency gaya ng green bonds at performance-based incentives bilang susi sa aktwal na pagpapatupad ng mga proyekto.
Pinuri rin ng kalihim ang papel ng AI sa ral-time monitoring, predictive maintenance, at automation na tumutulong umano na bawasan ang pag-konsumo at gastos ng ahensya habang binabawasan ang carbon footprint.
Binigyang-diin din ng DOE na patuloy itong magpapatupad ng mga polisiya para hikayatin ang mas maraming mamumunuhan at sektor na makibahagi sa energy transition ng bansa.
Layunin pa ng DOE na paigtingin ang kooperasyon ng pampubliko at pribadong sektor na gawing pagkakataon ang energy efficiency para sa pag-unlad ng bansa.
‘With green financing AI, we are proving that sustainability isn’t just a destination —it’s a journey,’ ani Fuetebella.