Sasabak na sa medal round ang kickboxer mula sa Philippine team na si Jean Claude Saclag.

Kasunod ito ng panalo niya kontra kay The Huong Nguyen ng Vietnam.

Nagharap ang dalawa sa 63.5 kg low kick men – semi finals.

Ginanap ang salpukan ng mga ito sa Cuneta Astrodome, Pasay City.