Pasok na sa gold medal match ang kauna-unahang Pinoy ESport athletes sa nagpapatuloy na 30th Southeast Asian Games.

Matapos ang semifinals sa larong Starcraft nakuha ni Caviar campado ang 3-2 na panalo sa best of five games laban kalaban nitong Vietnamese na si Tran Hong Phuc.

Dahil sa panalo ay pasok na sa gold medal match si Acampado na gaganapin sa araw na Lunes, Disyembre 9.

Tiniyak naman ng 26-anyos na tubong Rizal na kaniyang paghahandaan ang nasabing final round.

Makakaharap nito sa finals ang Singapore.