-- Advertisements --

Wala pang nakikita ang Philippine Embassy in Colombia na senyales ng posibleng spillover sa nangyayaring kaguluhan sa Venezuela.

Saklaw ng naturang embahada ang Venezuela at Ecuador, tatlong bansa na pawang nasa South America.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Philippines kay Consul Judy Razon, sinabi niyang nananatiling kontrolado o limitado sa loob ng Venezuela ang tensyon sa naturang bansa mula nang nagsagawa ng military raid ang US na nagresulta sa pagkaka-aresto ni President Nicholas Maduro.

Ayon sa Philippine official, binabantayan ng embahada ang lahat ng pangyayari sa Venezuela upang matukoy ang posibleng epekto nito sa iba pang mga katabing bansa, lalo na sa dalawang iba pang bansa na nasa hurisdiksyon nito.

Batid din aniya ng pamahalaan ng Pilipinas ang political tension sa pagitan ng US at Colombia, tulad ng naunang tension sa pagitan ng US at Venezuela, bago pa man ang ginawa ng US na pag-atake.

Samantala, kasunod ng pagkaka-aresto ni Venezuelan President Maduro ay naglabas na ang Colombian Government ng advisory ukol sa agarang paghihigpit sa seguridad.

Agad naman aniyang tumalima ang Embahada ng pilipinas sa naturang bansa, sa mga patakarang inilatag ng Colombia, kaakibat ng ipinapatupad na heightened security sa naturang bansa.

Nakabantay din ang embahada aniya sa sitwasyon ng mga Pinoy na naroon, kasama ang regular na pag-update sa kalagayan ng bawat Filipino community.