-- Advertisements --
Inanunsiyo n US Defense Secretary Pete Hegseth na naging matagumpay ang isinagawa nilang airstrike sa isang barko na may dalang iligal na droga.
Ang nasabing barko ay sangkot sa iligal drug trafficking sa Carribean na pinapatakbo ng Colombian terrorist group.
Dagdag pa nito na tatlong kalalakihan ang nasawi matapos ang airstrikes.
Ito na ang pang-pitong insidente na isinagawa ng US military na nagdadala ng iligal na droga.
Itinuturing nito na ang nasabing cartels bilang Al Qaeda of the Western Hemisphere na gumagamit ng dahas, pagpatay at terorismo.
Hanggang hindi maubos ang nasabing grupo ay kanila itong ituturing na terorista ang mga ito.