-- Advertisements --

Nadagdagan pa ng 3,249 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas, batay sa pinakabagong data ng Department of Health (DOH).

Sa ngayon umabot na sa 205,581 ang total ng confirmed COVID-19 cases matapos mag-submit ng report ang 98 mula sa 110 laboratoryo.

Mula sa higit 3,000 bagong kaso ng sakit, 2,600 ang nag-positibo sa nakalipas na 14-araw. Pinakamarami ang galing sa National Capital Region, Calabarzon at hanay ng mga repatriates.

Samantala, ang bilang ng mga nagpapagaling pa ay 68,357.

Ang numero naman ng mga recoveries ay nadagdagan ng 566, kaya ngayon ang total ay nasa 133,990. Habang ang total deaths ay 3,234 na dahil sa 97 pang bagong naiulat na namatay.

May 29 duplicates na tinanggal ang DOH sa total case count, kung saan 12 ang recoveries.

Nasa 24 recovery cases naman ang pinalitan ng estado matapos matukoy sa validation na sila ay patay na.