-- Advertisements --

Pilipinas na ang may pinakamataas na bilang ng COVID-19 cases sa rehiyon ng Southeast Asia. Ito’y matapos makapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 3,462 bagong kaso ng sakit ngayong araw.

Batay sa case bulletin ng ahensya, umabot na sa 115,980 ang total ng confirmed COVID-19 cases sa buong bansa.

Sa huling tala ng Indonesia nitong Martes, mayroon silang 115,056 total COVID-19 cases.

Mula sa higit 3,000 bagong kaso ng sakit, nasa 2,919 ang ang nag-positibo sa nakalipas na 14 na araw. Ang higit 400 ay sa pagitan ng July 1 hanggang 22. Samantalang ang iba ay noon pang Mayo at Hunyo.

May ilan ding kaso ng sakit noong Pebrero, Marso at Abril pa nag-positibo pero ngayon lang nai-report.

“The top regions with cases in the recent two weeks were NCR ( 2,083 or 71%), Region 4A ( 299 or 10%) and Region 3 ( 96 or 3%).”

Ayon sa DOH, 75 duplicates ang kanilang tinanggal sa total case count.

“We have also updated the outcomes of two (2) cases. One (1) was previously reported as death but updated as recovered and one (1) case was previously reported as recovered but updated as death after final validation; these are already included in the count of new deaths and recoveries.”

Mula sa total ng confirmed cases, may higit 47,000 pang nagpapagaling na karamihan ay mild at asymptomatic cases.

Aabot sa 222 na mga bagong gumaling ang naitala ng DOH, kaya 66,270 na ang total recoveries.

Habang siyam ang bagong reported na namatay. Ang total ay umabot na sa 2,123.

“Of the 9 deaths, 8 (89%) in July, and 1 (11%) in June. Deaths were from NCR (4 or 44%), Region 7 (4 or 44%) and Region 11 (1 or 11%).”