-- Advertisements --

Pumalo na sa 12,091 ang total na bilang ng COVID-19 sa bansa ngayong araw, ayon sa Department of Health (DOH).

Batay sa latest na case bulletin ng ahensya, may 215 na bagong naitalang nag-positibo sa sakit ngayong araw.

Ang 144 daw sa mga bagong kaso ay mula National Capital Region; 69 ang reported na galing sa iba’t-ibang rehiyon, habang dalawa ang sa Central Visayas.

Patuloy ding nadagdagan ang bilang ng mga namamatay na may total nang 806 dahil sa 16 new deaths.

Samantalang ang total ng mga gumaling ay 2,460 dulot ng 123 new recoveries.