-- Advertisements --

MANILA – Pumalo na sa higit 600,000 ang bilang ng tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, ayon sa Department of Health.

Batay sa pinakabagong case bulletin ng ahensya, mayroong nadagdag na 2,668 na bagong kaso ng sakit. Kaya naman sumampa na sa 600,428 ang total cases.

“8 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS) on March 8, 2021.”

Sa nakalipas na apat na araw, nag-ulat ang ahensya ng higit 3,000 bagong kaso ng COVID-19.

Samantala, umakyat na rin sa 41,822 ang bilang ng mga nagpapagaling o active cases.

Kabilang na rito ang 95.5% na mild at asymptomatic cases; 1.9% severe; 1.8% critical; at 0.80% moderate cases.

Nadagdagan din ng 171 ang total recoveries, na pumapalo na ngayon sa 546,078.

Habang pito ang bagong naitalang namatay, para sa total deaths na 12,528.

“3 duplicates were removed from the total case count. These 3 are recoveries.”

“Moreover, 2 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation.”