MANILA – Umakyat pa sa 1,143,963 ang kabuuang bilang ng mga naitalang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Kasunod ito ng nadagdag na 5,790 na bagong kaso ng sakit, ayon sa Department of Health.
Ayon sa ahensya, lahat naman ng laboratoryo ay nag-operate kahapon, pero may anim na hindi nakapag-sumite ng mga datos.
“Ang mababang bilang ng kaso ngayong araw ay dulot ng mababang testing output ng mga laboratoryo noong Biyernes (14 May 2021).”
Sa ngayon nasa 54,904 pa ang mga active cases o hindi pa gumagaling sa COVID-19 infection.
Mula rito, nasa 93.3% ang mild cases, 2.1% asymptomatic cases, 1.4% critical cases, 1.9% severe, at 1.23% moderate cases.
Nadagdagan din ng 7,541 ang total recoveries na ngayon ay nasa 1,069,868 na.
Habang 140 ang naitalang bagong namatay para sa 19,191 na total deaths.
“14 duplicates were removed from the total case count. Of these, 10 are recoveries.”
‘Moreover, 90 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation.”