-- Advertisements --

MANILA – Aabot na sa 1,013,618 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).

Kasunod ito ng ulat na may nadagdag na 7,204 na bagong kaso ng sakit.

“2 labs were not operational on April 25, 2021 while 22 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS).”

Ayon sa DOH, nasa 15.8% ang positivity rate o bilang ng mga nag-positibo mula sa 39,941 na nagpa-test sa coronavirus kahapon.

Tuluyan namang nabawasan ang bilang ng active cases o mga nagpapagaling sa COVID, na ngayon ay nasa 71,675.

Dahil ito sa nadagdag na 10,109 na bagong gumaling. Ang total recoveries ay pumalo na sa 925,027.

Samantala, 63 ang bagong naitalang namatay para sa 16,916 na total deaths.

“14 duplicates were removed from the total case count. Of these, 8 are recoveries.”

“Moreover, 26 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation.”