MANILA – Balik sa higit 9,000 ang bilang ng mga bagong kaso ng coronavirus na naitala ng Department of Health (DOH). Kaya naman sumipa na sa 828,366 ang total ng COVID-19 cases sa Pilipinas.
Ngayong araw nag-ulat ang ahensya ng 9,216 na bagong tinamaan ng pandemic na sakit.
“5 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS) on April 7, 2021.”
Ayon sa DOH, 20.8% ang positivity rate o bilang ng mga nag-positibo mula sa 39,969 na nagpa-test sa COVID-19 kahapon.
Mataas pa rin sa 167,279 ang kabuuang bilang ng active cases o hindi pa gumagaling sa sakit.
Mula sa kanila, 97.6% daw ang mild cases, 1.2% ang asymptomatic, 0.5% ang mga severe at critical, at 0.29% ang moderate cases.
Samantala, nadagdagan naman ng 598 ang total recoveries na aabot na sa 646,968.
Habang 60 ang bagong naitalang namatay para sa 14,119 na total deaths.
“14 duplicates were removed from the total case count. Of these, 6 are recoveries.”
“Moreover, 28 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation.”