Dalawang araw na nagsagawa ng joint search and rescue operation exercises ang Philippine at US Coast Guard, 40 miles off Luzon Point sa karagatan ng Mariveles, Bataan nuong September 2-3, 2022.
Nagkaroon din ng mga series of sea-phase demonstrations bilang pagtatapos sa port visit ng USCG Cutter Midgett na dumating sa bansa nuong August 30,2022.
Kabilang sa 2-day at-sea drills ay ang mga sumusunod: communication exercises, maneuvering drills, photo exercises, decoding messages through flag hoisting, flashing exercises, publication exercises, small boat operations, boarding operations, SAR exercises, at medical assistance.
Sa ikalawang araw ng joint exercise ang barko ng PCG ang 83-meter offshore patrol vessel ang BRP Gabriela Silang (OPV-8301), rumisponde sa isang distress call mula sa isang simulated cargo vessel ang BRP Melchora Aquino (MRRV-9702).
Habang ang USCGC Midgett na dumadaan sa nasabing lugar ay hinigan ng tulong.
Ang BRP Gabriela Silang ay nagdeploy ng rigid-hulled inflatable boat (RHIB) para i rescue ang mga survivors.
Bukod sa isinagawang joint maritime exercises, nagsagawa din regular anti-piracy exercise.
Ayon kay PCG Commandant, CG Admiral Artemio Abu, mahalaga ang kooperasyon ng sa mga Coast Guard counterparts lalo na sa pagsugpo sa insidente ng piracy sa karagatan.
Pinangunahan din ng PCG LEAD teams sa tulong ng USCG, Bureau of International Narcotics and Law Enforcement Affairs (INL), at Japan Coast Guard (JCG) ang isang pagsasanay para matiyak ang proper execution of visit, board, search, and seizure (VBSS) during anti-piracy operations.
Ayon naman kay US Coast Guard Fleet Commander, CG Rear Admiral Charlie Rances, na layon ng PCG-USCG joint SAR exercise para tugunan ang mga hamon sa maritime safety, palakasin ang information exchange and interoperability at sea.
Inihayag naman ni U.S. Ambassador to the Philippines, Her Excellency MaryKay Loss Carlson, ang nasabing joint exercises ay pagpapakita din ng connected, open, and secure Indo-Pacific.
Ang USCGC Midgett ang ika-apat na USCG vessel na bumisita sa Pilipinas, ang USCGC Waesche bumisita sa bansa nuong 2012, sinundan ng USCGC Bertholf nuong 2019, at USCGC Munro nuong 2021.