Bilang paghahanda para sa May 12 National and Local Elections, nagpakalat ang Philippine Army ng 329 ng mga sundalo bilang contingency force upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa National Capital Region.
Ang contingency force ay binubuo ng mga unit mula sa Civil Disturbance Management (CDM), K-9, Explosive Ordnance Disposal (EOD), Medical, at Chemical, Biological, Radiological and Nuclear (CBRN) teams.
Kabuuang 31 assets tulad ng mga military truck at ambulansya ang naka-standby rin para sa anumang contingency.
Bukod dito, lahat ng Emergency Response Companies (ERCs) ng Hukbong Katihan ng Pilipinas ay isinailalim sa Blue Alert Status mula Mayo 11 hanggang Mayo 14, 2025 upang tumugon sa anumang insidente sa panahon ng halalan.
Nagpadala rin ang iba’t ibang Philippine Army Major Units (PAMUs) ng 23,591 na mga tauhan upang gampanan ang kanilang tungkulin sa halalan sa iba’t ibang panig ng bansa, habang 21,509 na karagdagang tauhan ang naka-standby alert status noong Mayo 9, 2025.
Sa huli, sinabi ni Army Chief Lt. Gen. Roy M. Galido, na nakatuon sila sa pagpapanatili ng katatagan ng bansa sa pamamagitan ng patuloy na operasyon laban sa mga grupong banta sa seguridad—habang tumutulong rin sa paghahatid ng mga kagamitan para sa halalan at pagtiyak ng kaligtasan ng mga election personnel.