Ibinida ng Philippine Army ang kanilang mga latest defense assets na kanilang na procure bilang bahagi sa patuloy na modernization program ng hukbo.
Isinagawa ang capability display bilang bahagi sa paggunita ng kanilang ika-125th founding anniversary.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Philippine Army spokesperson Col. Xerxes Trinidad, nakiisa sa capability display ang mga major units ng hukbo gaya ng Artillery Regiment, Armor Division, 51st Engineer Brigade, at Special Forces Regiment (Airborne).
Sa panig ng Artillery Regiment, ipinakita nito ang kanilang brand new Autonomous Truck Mounted Howitzer System (ATMOS) 155 mm at towed howitzers ito ay galing sa bansang Israel, habang ang Armor Division ibinida ang kanilang armored mortar carrier na equipped ng 120mm mounted mortar systems.
Ang 525th Engineer Combat Battalion, na siyang humanitarian assistance and disaster response unit ng 51st Engineer Brigade, ipinakita ang kanilang water search-and-rescue (WASAR) and collapsed structure search-and-rescue (CSSR) equipment na ibinigay ng Japanese government.
Sa kabilang dako ang Special Forces Regiment (Airborne) ipinakita ang kanilang latest high-powered firearms na siyang magpapalakas sa capability ng ground units.
Sinabi ni Trinidad, malaking tulong sa kanilang operasyon ang mga bagong kagamitan hindi lamang bilang dagdag force protection, accurate din ang nakukuha nilang impormasyon para labanan ang mga kalaban ng estado.
Aniya, ang bagong weapons system ng Army ay hindi lamang magagamit para sa internal security operations bagkus magagamit ito sa territorial defense.
Sa panig naman ni Philippine Army Commanding General Lt.Gen.Romeo Brawner Jr. hindi lamang sa internal security operations nakatutok ang Army kundi handa na rin sila na idepensa ang teritoryo ng bansa laban sa mga nais manakop dito.
“We are developing not just the internal security operations capability but also our capability to defend our territory from external aggressors,” pahayag pa ni Col. Trinidad.