Pfizer
-- Advertisements --

Pinayagan ng Pfizer Inc. ang mga generic manufacturers na mag-suplay ng kanilang experimental antivrial COVID-19 pill sa 95 mga low at middle-income na bansa.

Ito ay sa pamamagitan ng licensing agreement sa international public health group Medicines Patent Pool (MPP).

Ang nasbing pill aniya ay babawasan ang tsansa ng hospitalization o kamatayan para sa mga may edad at severe case ng 89% base sa kanilang clinical trials.

Sinabi ni Charles Gore, ang executive director ng Medicines Patent Pool na labis nilang ikinakagalak ang pagpayag sa kanila ng Pfizer dahil ito ay dagdag na proteksyon ng mga tao.

Umaasa ito na ang generic version ng gamot ng Pfizer ay mailalabas na sa mga susunod na buwan.

-- Advertisement --