122462530 186530506305888 2667809287235953378 n
-- Advertisements --

Inaprubahan ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) Board ang Israel-Filipino joint venture na Saverpoint Biotek na gagawa ng oral COVID-19 vaccines.

Nakatakdang inisyal na mag-invest ang kumpanya ng P83 milyon para sa project na matatagpuan sa Pampanga Economic Zone.

Inaasahan din na makakagawa ito ng trabaho ng mahigit 400 kapag ito commercially operational na.

Ang Saverpoint kasi ay siyang ilan lamang sa mga vaccine manufacturing company na nagkainteres na magtayo ng planta sa bansa.