-- Advertisements --

Naglabas ang Manila Metropolitan Trial Court Branch 17 ng warrant of arrest laban kay Peter Joemel “Bikoy” Advincula sa kasong perjury.

May kaugnayan ito sa naging expose’ noon ni Advincula na nagsasangkot kina Free Legal Assistance Group (FLAG) members na sina Attorneys Chel Diokno, Lorenzo Tañada III at Theodore Te sa Project Sodoma na layon daw na pabagsakin ang Duterte administration.

Ayon sa korte, nakitaan ng probable cause ang reklamo laban kay Advincula.

Inirekomenda naman ng korte ang P18,000 na piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Advincula.