Lalo pang lomobo ang personal remittances na ipinapadala ng mga overseas Filipinos (OFs) patungo ng Pilipinas sa loob ng pitong buwan.
Ayon sa report ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) umaabot umano sa US$3.24 billion ang remittances noong buwan ng Hulyo na mas mataas ng 2.3% kumpara sa kaparehong period noong nakaraang taon.
Ang pagtaas ng cash remittances ay dahil pa rin sa pagpapadala ng mga land based workers na may kontrata ng isang taon o higit pa at mga sea at land based workers na may work contracts na mas mababa sa isang taon.
Maging aniya ang cash remittances na idinaan sa mga bangko ay lumago rin ng hanggang 2.3 % o katumbas ng US$2.92 billion na mas malaki kumpara noong nakaraang taon. Taong 2021 kasi ay nairekord ang US$2.85 billion.
Ang mga top countries naman sa cash remittances ay mula sa Estados Unidos, Saudi Arabia, Singapore at Qatar.
“On a year-to-date basis, cash remittances amounted to U$18.26 billion in January-July 2022, up by 2.8 percent from US$17.77 billion recorded in the same period last year,” bahagi pa ng statement ng BSP. “The expansion in cash remittances in July 2022 was due to the growth in receipts from land-based and sea-based workers.”