-- Advertisements --
Sang-ayon si Socio Planning Secretary Ernesto Pernia ng pagbubukas ng ilang mga shopping malls sa bansa bilang bahagi ng partial na pagluwag ng coronavirus lockdown.
Sinabi nito na magiging calibrated ang pagbubukas dahil sa kailangan ang mas matinding pag-iingat para hindi na lumala pa ang infection ng virus.
Dapat din maghanda ang mga Filipino sa pagtatapos na ng lockdown.
Magugunitang magmula ng ipatupad ang enhanced community quarantine noong Marso 17 ay maraming mga malls sa bansa ang tumigil ng kanilang operasyon.