-- Advertisements --

Inamin ng US na nagpalipad sila ng unmanned surveillance drones sa Gaza.

Sinabi ni Pentagon spokesman Brig. General Pat Ryder na ang mga pagpapalipad ng kanilang drones ay bahagi ng suporta para mabawi ang mga bihag ng Hamas miitants.

Ang nasabing mga UAV flights aniya ay nagsimulang nag-operate matapos ang atake ng Hamas militants noong Oktubre 7.

Dagdag pa nito na binibigyan din nila ng payo, tulong at suporta sa kaalyado nilang Israel.

Ang nasabing pahayag ng Pentagon ay matapos na makita ang nasabing MQ-9 Reaper sa kalawakan ng Gaza na kadalasang ang nag-ooperate ay mga US special forces.